Huwebes, Agosto 6, 2015

One Sided


Sa isang iglap maraming pwedeng mangyari. Sa isang iglap nagbabago ang nararamdaman at sa isang iglap pwedeng mawala ang lahat.
Ako si Noah isang estudyante sa isang unibersidad dito sa aming lugar. 18 taong gulang. May pagkachubby at maputi ang balat. 
Itong kwentong ito ay tungkol kung paano ako nagmahal. Nagmahal ng ako lang ang nakakaalam. Kungbaga One sided love (aray ko). Pero ganyan talaga ang buhay, sabi nga nila hindi naman natin pwedeng pilitin natin sila na mahalin tayo. Kailangan mutual yung feelings para walang nasasaktan. 
Ano bang feeling ng may nag mamahal sayo? Sorry na hindi kopa kasi naranasan. Palagi nalang ako yung nag mamahal, hirap no? Kaya nga minsan naiisip ko nalang "Sobrang pangit ba ako?" Ahaha totoo ginaganyan ko ang sarili ko. Anyways heto na ang kwento ko.
Nung nasa 2nd year college na ako doon ko na nalaman ng tuluyun kung ano ang gusto ko. Nag kakagusto ako sa babae at sa kapwa ko lalake. Nung una kong naramdaman ito? Sobrang naguluhan ako. Pero nung nag tagal sinabi ko nalang sa sarili ko "bahala na i enjoy ko nalang to".
May nakilala ako si Drew isang IT student. Ka edad ko sya medyo matangkad ako sakanyang konte pero gwapo sya. Una palang iba na ang pakiramdam ko sakanya, kahit noong hindi pa kami magkakilala crush kona sya. Naging close kami, nakakasama palagi, magkatxt, chat. Yung naramdaman ko talagang may puwang ako sa puso nya. Hanggang sa tuluyan na akong nahulog sakanya. Natatakot ako sa naramdaman ko kasi alam kong mali alam ko kasi yung mga tipo nya. Ilang weeks kaming naging ganun usap chat txt hanggang sa isang araw walang paramdam. Hindi ako mapakali, ilang araw kong hinanap yung presence nya kaso wala. Feeling ko iniiwasan nya ako. At nalulungkot ako sa mga naiisip ko. Once again nabigo nanaman ako. Ang hirap ng ganito, hindi mo alam kung kelan ka sasaya, hindi mo alam kung may magkakagusto pa sayo. Gusto ko nalang maging manhid, gusto ko nalang walang maramdaman. Ayoko na kasing masaktan. Sabi ko nga sa sarili ko "Ayoko na, nakakapagod naman pala yung ganito, yung hindi mo alam kung paano ka sasaya". 
Ito kasing lintik na nararamdaman ko ehhh hindi na natuto sa mga sakit na dinanas noon. Akala ko kasi may chance kami ni Drew kaso puro akala nanaman ako. Hindi ko naman pwedeng isumbat sakanya na paasa sya where in the first place kasalanan ko. Kasi nag bigay ako ng malisya sa mga ginagawa nya.

So ayun gusto kolang i express tong nararamdaman ko kahit sa sulat man lang.
"Mag take risk ka kung MUTUAL YUNG FEELINGS NYO"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento