Hindi ko hihingin sa'yo na manatili ka pa sa akin. Kung iiwan mo nako, iwan mo nako. Hindi kita kailangan. Makakahinga ako (ng maingat) ng wala ka. Ngingiti ako (dahan dahan) ng wala ka. Magpapatuloy ako (siguro) ng wala ka. Magiging masaya ako kung ang pipiliin mo ay ang hindi ako iwan
, pero kung bibitiw kana talaga, bumitiw kana. At ganun din ang gagawin ko. At sana isang araw, maturuan ko ng puso ko na hindi na umibig ulit. Kahit na sa bawat araw eh ikaw ang laman ng isipan ko. Natatakot ako, Sobrang duwag ko, natatakot ako na baka laging maging isang libro tayo na laging nawawala ang huling pahina, natatakot ako na lagi nalang akong mag-iisip, laging nasasaktan, natatakot ako na ikaw at ikaw pa rin ang mahal ko at laging mamahalin ko. Pero hindi ko hihilingin na manatili ka.
Sabado, Agosto 8, 2015
Does Time Truly Heals All Wounds?
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento