0:12am
Shit! Yung eyeliner nagkalat na sa mukha ko, Kingina medyo hawig ko na tuloy si joker. Ayus, lampake nako ngayon. Siguro naman titigil na lahat ng tao sa pagtatanong kung "Ok lang ba ako."
0:54am
Umuulan sa labas. Sa tingin ko ang ulan eh umiiyak din para sa'yo. Naririnig mo ba sila?
1:38 am
Ibinato ko yung teddy bear na binagay mo sa akin sa pader ng kwarto ko at isa sa mata nitong butones ay natanggal. Pero mas ikinasakit pa ng loob ko yun kesa nung nawala ka.
2:46am
Ang pinaka mamahal kong ina ay nag-aalala na sa akin pag-iisip. Tumatawa ako ng malakas pero konti lang, at sinasabi kong ayos lang ako. Pero di ko sinabing nag-aalala din ako.
3:10am
Pinatugtog ko ang aking paboritong kanta ng medyo malakas at nagising ko ang buong tao sa bahay. Sinabihan akong tama na tumigil na ako. Pero ikaw ang naaalala ko sa kantang ito eh.
4:17am
Pagod na pagod nako, pero di dahil sa wala pa akong tulog. Pagod na pagod nako sa nararamdaman ko at sa pakiramdam na ako ay hindi naging sapat para sa'yo. Sumisikip ang dibdib ko, Nahihirapan nakong huminga at di ko mapigilan ang paghawak ko ng mahigpit sa kamay ko, umaasa akong mararamdaman ko ang kamay mo sa mga kamay ko nung hawak mo pa ang mga ito.
5:49 am
Sobrang dami ko pang gustong sabihin sa'yo at grabe ang mga pader na to kung makinig sa akin. Pero at least hindi nila ako iniiwan. Isipin mo yun, mas matino pa silang taga pakinig kesa sa'yo.
6:13 am
Ayan sumisikat na ang araw. Papanuorin kong mag-isang sumikat ang araw and siguro naman ngayon di nako magmumukhang tanga at katawa-tawa. Siguro eto na yun unti unti na kitang nakakalimutan. Orayt! Di mo naman talaga ako deserve after all. Kingina mo ka!
7:45am
Shit, ano ba yung katangahang sinabi ko. Bumalik kana. Pakiusap bumalik kana. Pinapangako ko magsisimula ulit tayo ng masaya at magpanggap nalang tayong hindi nangyari ang mga bagay na to. Pwede nating gawin ang lahat ulit at itong pagkakataong it sinasabi ko sa'yo magwowork out na.
8:00am
Oh God. Hindi kana babalik di ba? Di ba?"
:( </3
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento