Kasabihan Ng Nakaraan
Sabado, Agosto 8, 2015
Beauty
Kapag maganda ka sobra ang papuri at pag galang sayo.
Kapag gwapo ka namn ehhh sobra ang takot at sobrang inahangaan ng iba?
Pero kapag pangit ka kung itrato ka parang basura. Sabihin man nating walang pangit sa mundo, pero tanggapin na natin na meron talaga. Tulad ko pangit. Mararamdaman mo kasi yun, tapos ma iinsecure kapa sa iba na mas may itchura.
Kailangan ba talagang iparamdam samin na hindi kami pwedeng magustuhan dahil sa pisikal na anyo? maganda namn ang aming kalooban (hindi nga lang lahat).
Tulad nalang sa ibang social media na chat lang at hindi makikita ang mukha tapos kapag humingi ng picture bigla kang ibblock or hindi kana papansin. Sa ganung paraan palang mararamdaman mong pangit ka, kahit sabihin mo sa sarili mo na "hindi lang siguro sya interesado sayo okaya iba ang standard nya". Hindi pa din magbabago yung sa isipan mo na "ang pangit ko kasi".
Pero kahit ganun may mga mabubuting kalooban namn sa mga magaganda at gwapo, sobrang konti nga lang nila. Kapag kasi nalaman nila sa sarili nila na may itchura sila sobrang lumalaki ang ulo nila.
Kaya sana sa mga magaganda dyan at gwapo? utang na loob wag sana lumaki mga ulo nyo sa mga papuri ng ibang tao sa inyo, mas maganda pa din na maganda parin ang kalooban ng isang tao. Kasi mamatay din tayo at mawawala ang itchura na yan. Kung maganda ang iyong kalooban dadalhin mo yan hanggang sa wakas ng mundo.
~Plain
Does Time Truly Heals All Wounds?
Hindi ko hihingin sa'yo na manatili ka pa sa akin. Kung iiwan mo nako, iwan mo nako. Hindi kita kailangan. Makakahinga ako (ng maingat) ng wala ka. Ngingiti ako (dahan dahan) ng wala ka. Magpapatuloy ako (siguro) ng wala ka. Magiging masaya ako kung ang pipiliin mo ay ang hindi ako iwan
, pero kung bibitiw kana talaga, bumitiw kana. At ganun din ang gagawin ko. At sana isang araw, maturuan ko ng puso ko na hindi na umibig ulit. Kahit na sa bawat araw eh ikaw ang laman ng isipan ko. Natatakot ako, Sobrang duwag ko, natatakot ako na baka laging maging isang libro tayo na laging nawawala ang huling pahina, natatakot ako na lagi nalang akong mag-iisip, laging nasasaktan, natatakot ako na ikaw at ikaw pa rin ang mahal ko at laging mamahalin ko. Pero hindi ko hihilingin na manatili ka.
Biyernes, Agosto 7, 2015
Promise
kaya mo bang panindigan hanggang sa magawa mo ito o mawawala lang ng parang bula?
Bakit kaya na bbroke ang mga promise?
hindi natin masisisi ang isang tao kung mabaliwala nya ito. Pero ang kasalanan nya ay nagbitaw sya ng salita na hindi namn pala nya kayang panindigan.
Masakit umasa sa salitang yan kaya mas maganda kung huwag kanang umasa. Mas maganda na hindi mo ineexpect ang mga bagay bagay at least na susurprise ka nalang bigla.
Bakit namn kasi kailangan mag promise pa ehhh pwede namn gawin nalang ng hindi binabanggit ang promise. Kaya tayo umaasa ng sobra, tapos masasaktan.
Sa panahon kasi natin ngayon wala na talagang permanante dito sa mundo kaya minsan pati ang salitang promise ehhh nag iiba nadin.
Kaya kung ikaw may nangako sayo? be practical, wag nalang masyadong maniwala sa promise, kasi kung masyado tayong magtitiwala sa promise? tapos hindi nagawa? masakit sa part natin yung ganun. Kung baga iisipin natin na naging paasa lang sila. Sabi nga nila " Wag ka ng umasa, Masasaktan kalang".
------
since wala akong magawa ayan on the spot konang ginawa ito :)
-Plain
Huwebes, Agosto 6, 2015
12am to 8am Break Down
0:12am
Shit! Yung eyeliner nagkalat na sa mukha ko, Kingina medyo hawig ko na tuloy si joker. Ayus, lampake nako ngayon. Siguro naman titigil na lahat ng tao sa pagtatanong kung "Ok lang ba ako."
0:54am
Umuulan sa labas. Sa tingin ko ang ulan eh umiiyak din para sa'yo. Naririnig mo ba sila?
1:38 am
Ibinato ko yung teddy bear na binagay mo sa akin sa pader ng kwarto ko at isa sa mata nitong butones ay natanggal. Pero mas ikinasakit pa ng loob ko yun kesa nung nawala ka.
2:46am
Ang pinaka mamahal kong ina ay nag-aalala na sa akin pag-iisip. Tumatawa ako ng malakas pero konti lang, at sinasabi kong ayos lang ako. Pero di ko sinabing nag-aalala din ako.
3:10am
Pinatugtog ko ang aking paboritong kanta ng medyo malakas at nagising ko ang buong tao sa bahay. Sinabihan akong tama na tumigil na ako. Pero ikaw ang naaalala ko sa kantang ito eh.
4:17am
Pagod na pagod nako, pero di dahil sa wala pa akong tulog. Pagod na pagod nako sa nararamdaman ko at sa pakiramdam na ako ay hindi naging sapat para sa'yo. Sumisikip ang dibdib ko, Nahihirapan nakong huminga at di ko mapigilan ang paghawak ko ng mahigpit sa kamay ko, umaasa akong mararamdaman ko ang kamay mo sa mga kamay ko nung hawak mo pa ang mga ito.
5:49 am
Sobrang dami ko pang gustong sabihin sa'yo at grabe ang mga pader na to kung makinig sa akin. Pero at least hindi nila ako iniiwan. Isipin mo yun, mas matino pa silang taga pakinig kesa sa'yo.
6:13 am
Ayan sumisikat na ang araw. Papanuorin kong mag-isang sumikat ang araw and siguro naman ngayon di nako magmumukhang tanga at katawa-tawa. Siguro eto na yun unti unti na kitang nakakalimutan. Orayt! Di mo naman talaga ako deserve after all. Kingina mo ka!
7:45am
Shit, ano ba yung katangahang sinabi ko. Bumalik kana. Pakiusap bumalik kana. Pinapangako ko magsisimula ulit tayo ng masaya at magpanggap nalang tayong hindi nangyari ang mga bagay na to. Pwede nating gawin ang lahat ulit at itong pagkakataong it sinasabi ko sa'yo magwowork out na.
8:00am
Oh God. Hindi kana babalik di ba? Di ba?"
:( </3
Multo ng Kahapon
1. Ang aking matalik na kaibigan ay pinwersa akong burahin ang iyong numero sa aking telepono at umiling ako nung una pero laking pasalamat ko sa kanya dahil nung ako'y lasing at nakainom at halos nawala na sa sarili. Kinuha ko ang telepono ko at itinype dito ang mga salitang “Kingina ka, Minahal naman kita, anong kagaguhan to? Anong nararamdaman mo ngayon? Kingina! Sana mamatay kana gago ka!” pero wala akong pagpapasahan ng mensaheng ito.
2. Yung cd na may malaman na mga paboritong kanta natin ay nasa ilalim ng kama ko, kasama ng kwintas, sulat at mga kagaguhang kabaduyan na binigay mo sa akin. Nung nagtatanong sa akin yung mga kaibigan naten kung kamusta na ako. Nagpanggap akong nawala ko na ang mga iyon. Pero sa totoo lang, yun nalang ang tanging bagay na pinanghahawakan ko.
3. Nakita kita nung isang araw sa may park. Mayroon babaeng may hawak ng kamay mo. Ang ganda niya mas maganda pa sa akin at hindi ko mapigilang isipin kung paano ang iyong mga labi ay gumagalaw sa tuwing sinasabi mong siya ay maganda, o kapag ako'y iyong naiupo na at pinapanuod mo akong kainin yung pagkaen sa plato ko. Iniisip ko minsan kung nakita mo na ba siyang walang suot na damit? Iniisip ko kung nahalikan ka na ba niya kagaya ng paghalik ko sa'yo noon.
4. Nakakatawa, Alam mo bang bawal banggitin ang pangalan mo dito sa bahay namin. Naaalala mo ba kung paano natin tawagin yung mga taong ayaw natin sa pamamagitan ng initial ng pangalan nila? Kasama ka na sa kanila ngayon. Yung matalik na kaibigan ng mama ko, loko yun kinamusta ka ba naman niya sa akin. Gustong gusto ka niya para sa akin. Pero binalot kame ng katahimikan.
5. Naalala mo yung lalaking huling Nanakit at nagpaiyak sa akin? Naalala mo kung paano naging miserable ang buhay ko dahil sa kanya at sinabi ko sa'yo na siya na ang pinaka masamang nangyari sa buhay ko? Hinalikan ko siya nung nakaraang linggo. Nakatanggal ang butones ng damit ko at sidya naman'y nakahubad na. May mga alak sa sahig ng kwarto niya at ang hininga niya'y amoy alak at yosi. Pero wala akong naramdamang kahit ano.
P.S.
Gumising ka na. Hindi na siya babalik sa'yo.</3 :(
One Sided
Itong kwentong ito ay tungkol kung paano ako nagmahal. Nagmahal ng ako lang ang nakakaalam. Kungbaga One sided love (aray ko). Pero ganyan talaga ang buhay, sabi nga nila hindi naman natin pwedeng pilitin natin sila na mahalin tayo. Kailangan mutual yung feelings para walang nasasaktan.
Ano bang feeling ng may nag mamahal sayo? Sorry na hindi kopa kasi naranasan. Palagi nalang ako yung nag mamahal, hirap no? Kaya nga minsan naiisip ko nalang "Sobrang pangit ba ako?" Ahaha totoo ginaganyan ko ang sarili ko. Anyways heto na ang kwento ko.