1. Ang aking matalik na kaibigan ay pinwersa akong burahin ang iyong numero sa aking telepono at umiling ako nung una pero laking pasalamat ko sa kanya dahil nung ako'y lasing at nakainom at halos nawala na sa sarili. Kinuha ko ang telepono ko at itinype dito ang mga salitang “Kingina ka, Minahal naman kita, anong kagaguhan to? Anong nararamdaman mo ngayon? Kingina! Sana mamatay kana gago ka!” pero wala akong pagpapasahan ng mensaheng ito.
2. Yung cd na may malaman na mga paboritong kanta natin ay nasa ilalim ng kama ko, kasama ng kwintas, sulat at mga kagaguhang kabaduyan na binigay mo sa akin. Nung nagtatanong sa akin yung mga kaibigan naten kung kamusta na ako. Nagpanggap akong nawala ko na ang mga iyon. Pero sa totoo lang, yun nalang ang tanging bagay na pinanghahawakan ko.
3. Nakita kita nung isang araw sa may park. Mayroon babaeng may hawak ng kamay mo. Ang ganda niya mas maganda pa sa akin at hindi ko mapigilang isipin kung paano ang iyong mga labi ay gumagalaw sa tuwing sinasabi mong siya ay maganda, o kapag ako'y iyong naiupo na at pinapanuod mo akong kainin yung pagkaen sa plato ko. Iniisip ko minsan kung nakita mo na ba siyang walang suot na damit? Iniisip ko kung nahalikan ka na ba niya kagaya ng paghalik ko sa'yo noon.
4. Nakakatawa, Alam mo bang bawal banggitin ang pangalan mo dito sa bahay namin. Naaalala mo ba kung paano natin tawagin yung mga taong ayaw natin sa pamamagitan ng initial ng pangalan nila? Kasama ka na sa kanila ngayon. Yung matalik na kaibigan ng mama ko, loko yun kinamusta ka ba naman niya sa akin. Gustong gusto ka niya para sa akin. Pero binalot kame ng katahimikan.
5. Naalala mo yung lalaking huling Nanakit at nagpaiyak sa akin? Naalala mo kung paano naging miserable ang buhay ko dahil sa kanya at sinabi ko sa'yo na siya na ang pinaka masamang nangyari sa buhay ko? Hinalikan ko siya nung nakaraang linggo. Nakatanggal ang butones ng damit ko at sidya naman'y nakahubad na. May mga alak sa sahig ng kwarto niya at ang hininga niya'y amoy alak at yosi. Pero wala akong naramdamang kahit ano.
P.S.
Gumising ka na. Hindi na siya babalik sa'yo.</3 :(
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento