Sabado, Agosto 8, 2015

Beauty

Talaga bang sa panahon ngayon nagiging itchura na ang basehan?
Kapag maganda ka sobra ang papuri at pag galang sayo. 
Kapag gwapo ka namn ehhh sobra ang takot at sobrang inahangaan ng iba?
Pero kapag pangit ka kung itrato ka parang basura. Sabihin man nating walang pangit sa mundo, pero tanggapin na natin na meron talaga. Tulad ko pangit. Mararamdaman mo kasi yun, tapos ma iinsecure kapa sa iba na mas may itchura. 

Kailangan ba talagang iparamdam samin na hindi kami pwedeng magustuhan dahil sa pisikal na anyo? maganda namn ang aming kalooban (hindi nga lang lahat). 

Tulad nalang sa ibang social media na chat lang at hindi makikita ang mukha tapos kapag humingi ng picture bigla kang ibblock or hindi kana papansin. Sa ganung paraan palang mararamdaman mong pangit ka, kahit sabihin mo sa sarili mo na "hindi lang siguro sya interesado sayo okaya iba ang standard nya". Hindi pa din magbabago yung sa isipan mo na "ang pangit ko kasi".

Pero kahit ganun may mga mabubuting kalooban namn sa mga magaganda at gwapo, sobrang konti nga lang nila. Kapag kasi nalaman nila sa sarili nila na may itchura sila sobrang lumalaki ang ulo nila. 

Kaya sana sa mga magaganda dyan at gwapo? utang na loob wag sana lumaki mga ulo nyo sa mga papuri ng ibang tao sa inyo, mas maganda pa din na maganda parin ang kalooban ng isang tao. Kasi mamatay din tayo at mawawala ang itchura na yan. Kung maganda ang iyong kalooban dadalhin mo yan hanggang sa wakas ng mundo.

~Plain

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento